DAVAO: LAKBAY SANAYSAY (ni Tisha Protacio)
DAVAO
Ang
Davao ay isa sa pinaka kilalang lugar sa Pilipinas hindi lang dahil dito
nakatira ang pangulo Duterte kung ‘di dahil din sa magagandang tanawin, dito
din matatagpuan ang Philippine Eagle at dito mo din matitikman ang masarap na
durian. Isa sa magandang beach dito ay ang samal island kung saan ito ay
pinalilibutan ng iba’t ibang magagandang resort. Madami kang pwedeng
paglibangan sa Samal Island, may iba’t iba silang water activities kagaya
nalang ng kayak, snorkeling, parasailing at madami pang iba. Hindi kumpleto ang
iyong pagpunta pag hindi mo natikman ang kanilang masasarap na putahe kagaya
nalang ng buko halo halo, mga inihaw na mga seafood, at marami pang iba. Ang
Philippine Eagle ay dito matatagpuan. Mayroon park na ginawa para sa mga agila
para masilayan ng mga turista ang iba’t ibang klase ng agila, kung saan pwede
mo makita ito ng malapitan. Inaalagaan nila ang mga ito dahil endanger species
na ang mga ito. Bukod sa Durian kilala din ang Davao sa masarap na tskolate ang
Malogos Farm, kung saan dito ay may bird show din para bigyan kaalaman pa ang
mga tao sa mga ibon at sap ag alaga ng ating kalikasan. Maari ka din gumawa ng
sarili mo tskolate at maari mo din masilayan ang pagawaan ng tskolate. Marami
pang ibang magagandang lugae sa Davao ngunit hindi ko na napuntahan. Pero sa
maikli na panahon na nasilayan ko ang Davao hindi koi to malilimutan at
gugustuhin ko pa bumalik dahil sa masayang alalang aking naranasan.











Comments
Post a Comment