Lakbay Sanaysay: Cagayan de Oro (ni Sittie Nur-Aisah Dimapanat)

Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin. Lalo na kapag kasama ko ang aking mga kaibigan at pamilya.

Isa sa napuntahan ko kasama ang aking mga kapatid,pinsan at kaibigan ay ang lugar na Cagayan de Oro, Bukidnon. Ang Bukidnon ay isa sa mga sikat na lugar ditto sa Pilipinas lalong lao na sa mga taga Mindanao, kilala ito bilang “Longest Dual Zipline” sa buong Asia. Ang zipline dito ay may habang 840 m.
Noong Abril taong 2016, kami ng kapatid, pinsan at kaibigan ko ay nag punta sa Cagayan de Oro, Bukidnon ito ay nasa timog-silangan bahagi ng bansa. Dito kung saan ang klimang tropical ang siyang maranasan. Ang lungsod na ito ay tahanan rin ng mga kristiyano at Muslim.
Nagsimula kami gumayak mula Cotabato City hanggang sa makarating kami sa Cagayan De Oro. Pumunta kami doon dahil doon nais naming makaranas ng bagong adventure sa aming buhay. At dahil unang beses pa lang naming mag kakaibigan na pumunta doon kung kaya at mas lalo kaming naexcite na makarating na doon.
 Isa sa mga pinuntahan naming sa Cagayan De Oro, Bukidnon ay ang “Del Monte, Camp Phillips, Bukidnon” na kung saan ditto kami gumala ng ilang Oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang isang Del Monte na Bahay at ang kanilang Factory. Pagkatapos naming mag “Stop-over” ay nag derecho na kami kung saan ang dapat naming pupuntahan.
Nang nakarating na kami sa Dahilayan Adventure Park – Forest Park, kaming magkakaibigan ay nag “picture picture”. Dito sa lugar na ito may mga laro katulad ng “Billiard”, “Mini Golf” at playground para sa mga bata.

Sumakay kami sa Drop Sky Zone Wing. Dito, ang mga rider ay hinila ng isang windmill na pinatatakbo winch ng hanggang sa 120 talampakan. Worth it ang pag punta mo ditto dahil hindi ka mabobored dahil marami kang pwde gawin dito. Katulad ng pag tawid sa “Hanging Bridge” ito ay nakaka-kaba o nakakatakot pero ito ay hindi delikado dahil merong safety equipment. Bago ka makakapunta sa cart, kailangan mo muna tumawid sa “hanging bridge”.
                    Ang pag lalakbay namin mag kakaibigan ay naging masaya!!





Comments