Lakbay Sanaysay: Lucban, Quezon (ni Marjeri Cochua)

Bata pa lamang ako ay pa balik-balik na kami sa Quezon Province o sa Lucban, Quezon. Ang Quezon Province ay isang pangalawang klase na munisipalidad na matatagpuan sa paanan ng Mount Banahaw sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Ang Lucban ay tinatawag na Art Capital of Quezon province. Ang Kamay ni Hesus ang pinaka paborito naming lugar na puntahan sa Lucban. Ang Kamay ni Hesus ay isang sagradong lugar para sa lahat ng gustong magsisi, magpasalamat at manalangin para sa kagalingan. Ang Kamay ni Hesus Healing Church ay isang 5-hectare shrine na itinayo noong Pebrero 2002 at matatagpuan sa Brgy. Tinamnan, Lucban, Quezon na kasama ang Via Dolorosa Grotto, Healing Church, Noah's Ark, Dagat ng Galilie, Banal na Family Park, at Pastoral Center na itinatag ng Healing Priest, Fr. Joey Faller.

Gustong gusto ng aking ina ang laging pag ba-bakasyon namin sa Lucban, dahil ang pamilya ko ay napaka relihiyoso at nagbabakasyon kami doon para umakyat, magsimba at magdasal sa Kamay ni Hesus. Dito magsisimula ang kuwento ng aming pagbabakasyon palagi sa Lucban, Quezon. Noong Pebrero 2012 ang unang bakasyon namin sa Lucban, Quezon. Tumuloy kami para magpahinga at matulog sa Batis Aramin. Ang Batis Aramin ay isa sa pinaka maganda at sikat na tuluyan o resort sa Lucban. Maraming tumutuloy dito palagi pag magbabakasyon dahil katapat lang nito ang Kamay ni Hesus at pwedeng pwede mong lakarin ng limang minuto. Limang araw kami noon tumuloy sa Batis Aramin at ang dalawang araw doon ay nilaan namin sa pagsisimba at pagakyat sa Kamay ni Hesus. Bago kami umuwi ng Maynila ay nagsimba ulit kami sa Kamay ni Hesus at napaka sarap sa pakiramdam kapag nakaakyat ako sa pinaka tuktok kasama ang buong pamilya ko.



Nakaraming balik na kami sa Kamay ni Hesus. Ang sumunod na punta naman namin na tumatak sa akin ay noong Hunyo 2015. Isang araw lamang kami tumuloy sa Batis Aramin upang mag pahinga at matulog. Sumunod na araw ay nagsimba at umakyat na kami sa Kamay ni Hesus ng aking buong pamilya. Pagkagaling namin sa Kamay ni Hesus ay nagpunta naman kami sa San Luis Obispo de Tolosa Parish Church karaniwang kilala bilang Lucban Church ay isang Roman Catholic parish church na matatagpuan sa Lucban, Quezon, Pilipinas sa ilalim ng Roman Catholic Diocese ng Lucena. Ang titular nito ay Saint Louis ng Toulouse. Ang simbahan na ito ay ginamit sa Sukob na palabas noon ni Kris Aquino at Claudine Barretto noong 2006. Noong nagsimba kami doon, sobrang nakakakilabot pag pasok mo pa lamang ng simbahan at sobrang hangin. Maganda din naman ang simbahan dahil ito ay napaka sagrado. Pag katapos naming magsimba ay bumalik na kami ng Maynila.





Noong Abril netong taon ay ang sumunod na balik ko sa Lucban, Quezon. Nang kami ay nagplano magkakaibigan na mag swimming noong bakasyon. Kami ay nagpahinga at nagbakasyon sa Family Resort ng aking kaibigan na si Pauline Paluero. Dalawang araw kami doon sa kanila. Ang unang araw namin doon, kami ay nagswimming sa dagat at namasyal sa buong kadagatan. Noong kinagabihan naman, kami ay nagswimming sa swimming pool doon at nag karaoke. Ang pangalawang araw naman namin, kami ay namasyal na lamang at naglakad lakad malapit sa dagat at kumuha ng mga litrato. Pagtapos kami ay bumalik na ng Maynila na pagod na pagod ngunit masaya.





Comments