Palawan–Ang Huling Duluhan (The Last Frontier) (Lakbay Sanaysay ni Hosannah Chua)

Ang Palawan ay isa sa pinakapinagmamaking lugar sa Pilipinas. Ang Underground River sa Palawan ay itinanghal bilang isa sa “The World’s Seven Wonders of Nature.” Akin kayong pansamantalang dadalhin sa Palawan gamit ang inyong mga imahinasyon. Samahan niyo ako sa aking muling pag balik-tanaw sa lugar na aking pinagmulan.

Ang Palawan ay nagsilbing aking lalawigang kinalakihan. Ako man ay nawalay sa lugar na ito para sa ganap na ilang buwan ay binabalik-balikan ko parin ito. Buong pagmamalaki kong ibinabahagi sa sulating ito ang aking pagka-Palaweña. Sa lalawigan kung saan walang pagbaha, lindol o pagsabog ng bulkan. Ang Palawan nga ay binansagang “Ang lungsod ng buhay na Diyos” o “The city of the living God” sa Ingles. Maliwanag at payak ang pahayag na ito sapagkat ang lalawigan ay mayaman sam ga yamang dagat. Ito din ay mayaman sa langis at iba’t-ibang perlas. Ang mga mamamayan sa lalawigang ito ay malulusog buhat ng kaliwa’t kanang mga puno at sariwang hangin. Tunay ngang buhay at patuloy na kumikilos ang Diyos sa lalawigan ng Palawan. Libo-libong turista ang dumadalaw sito taon-taon at itinampok na isa sa may pinakamagagandang dagat sa daigdig. Hindi man ito sinlago ng Maynila at walang naglalakihang mga gusali, nagbibigay naman ito ng pagpapahinga o “relaxation” para sa mga nangangailangan ng mapayapang lugar na matatakbuhan. Malayo sa mga beep-beep ng dyip, malapit sam ga hun ing ibon. Ang Palawan ay sagradong lugar upang makapag-isip at mamahinga. Dito sa Palawan aking naranasan ang pribilehiyo ng murang “sea food.” Ang iba pang bilihin gaya ng prutas at gulay ay higit ding sariwa at mura sa lalawigan ng Palawan.


Maaari ko pang ipagpatuloy ang mga bagay na aking ipinagmamalaki sa lugar na akong kinalakihan ngunit wala itong hanggan. Ako ay babalik at babalik sa aking lugar ng kaginhawaan o “comfort zone.” Ang akin lamang tugon ay hindi dumating sa panahong pagsamantalahan ng mayayamang negosyante ang lalawigang lubos na pinagpala. Sana ay walang oras ang dumating na hindi na maranasan ng susunod na henerasyon ang simoy ng hangin sa Palawan. Aking dinggin na kanilang abutin ang yamang tampok sa lalawigan, libre mula sa maruming kapaligiran at siksikang daanan. Bilang wakas, sana ay hindi dumating sa panahong hanggang litrato na lamang ang ganda ng Palawan.
Sa pagbaba ng araw ay aking nakuhanan ang malalagong mg pananim habang nasa biyahe. Lubos kong pinagpapahalagahan ang pribilehiyong mapanood ang mga ito habang sila ay sumasayaw sa pag-ihip ng hangin. 

Ito ay ang lugar kung saan matatanaw ang dagat ng Nagtabon. Dito ay marami ang dumadayong “surfers” mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Sa aking pagtanaw ay tila nakapagpahinga ang aking mga mata mula sa karaniwang aking mga nakikita.

Ito naman ay kuha habang kami ay nasa biyahe papuntang talon o “falls.” Ang lumulutang na bahay ay isang dulugan o “resort.” 

Ito naman ay kuha sa isa ding dulugan kalahating oras galing sa Puerto Princesa. Ai World Resort ang pangalan nito at sila ay nagbibigay ng libreng sakay mula Puerto hanggang dito. 

Ito ay ang larawan ng talon na aming pinuntahan. Dito, libre ang lugar pati na rin ang mga kagamitang gagamitin sa pag-ihaw. Ito ay isang pampublikomh atraksiyon na dinarayo ng nakararami lalo na sa ilalim ng mainit na panahon.





Comments