Pictorial Essay: Laguna (ni Jonah Villalobos)

Sa kagustuhang makawala sa tambak na gawain sa eskweluhan. Naisipan namin ng aking mga kaibigan ang lumakbay patungo sa Laguna upang dalawin ang kagandahan ng falls sa loob Panguil River Eco Park.
Bago pa man kami maligo ay tumayo ako sa gitna ng tulay na ito habang may pumapaligid na napakaganda at naglalakihang mga halaman at puno. Para naman may mai-upload sa instagram kapag ako’y nakauwi na. 


Pagkatapos ng pictorial ay agad naming pinuntahan ang falls kung saan napakalinis at napakasarap sa pakiramadam ng tubig. So Refreshing! 

Hindi ba’t napakasarap pagmasdan ng paligid? Naglalakihang mga puno, malinis na tubig, masimoy na hangin at magandang sikat ng araw. 

Sa aming paguwi hindi lang namin dala ang mga basang damit at tuwalya kasama nito ang masasayang alaala at ngiti sa aming mga mukha.

Comments