Pictorial Essay: Singapore ( ni Hosannah Chua)
![]() |
Ito ang aking
nakababatang kapatid. Dito ay dinayo namin ang isang museo sa singapore. Siya ay
nagiliw sa pagsakay sa isang makasaysayang sasakyan na ginamit sa bansa noong
unang panahon.
|
![]() |
Akin paring
nakababatang kapatid ang ipinapakita sa litratong ito. Ito ay nang kami ay
bumisita sa madame tussauds singapore kung saan nagpapakita ng mahigit kunulang
isandaang wax figures.
|
![]() |
Ang litratong ito
naman ay kuha sa aming pagbisita sa singapore zoo. Kami ay nanood ng
pagtatanghal ng mga elepante at nagpakain sa mga ito gamit ang saging.
|
![]() |
Syempre, hindi
mawawala sa aming iskedyul ang pagpunta sa Universal Studios. Dito kami ay sumakay
ng iba’t-ibang sakayan at nanood ng iba’t-ibang pagtatanghal.
|
![]() |
Ito naman ako kasama
ang Merlion. Ang Merlion ay ang pambansang maliwanag na halimbawa o “national
personification” ng bansang Singapore. Ito ay meroong katawaan ng isda at ulo
ng leon.
|
Comments
Post a Comment