Pictorial Essay: Venice, Italy (ni Danica Condes)

Ito ang isa sa mga “canals” sa Venice, Italy. Makikitang napakakulay ng mga istraktura at talagang nakakabighani ang ganda nito.

Maraming nagliliparang ibon dito. Talagang nakakaaliw ang lugar na ito dahil hindi lang ang kapaligiran ang maganda kundi na din ang mga ibon.

Maraming tulay dito na magaganda. Ang lugar na ito ay kakaiba dahil ito lang ang bansang pinapaligiran ng katubigan.

Ito ang Saint Mark’s Basilica. Ito ay isang simbahan na may maraming mga kagiliw-giliw na mga kuwento at mga alamat sa likod nito.

Sa Venice, talagang matutunaw ang iyong puso sa napakagandang lugar na ito. Kahit maglakad ka ng ilang oras ay tiyak na hindi mo mapapansin ang pagod dahil sa anyong kagandahan nito.

Comments