TUBONG BATANGAS (ni Jonah Villaloobos)

Ipininganak ako sa Maynila, ngunit ako ay lumaki sa Batangas magmula nung ako’y grade 3 sa kadahilanan doon nagpatuloy ng trabaho ang aking mga magulang. Sa aking paglaki mas lalo akong nabighani at namangha sa kagandahan ng Batangas. Marami kang matatagpuan mga nagpuputiang mga buhangin sa tabi ng dagat na nagniningning at masarap na simoy ng hangin. Bonus pa dito ang mga naglalakihang bundok na may magandang tanawin. Tunay mong mararamdaman ang magandang kalikasan na ibinihagi sa atin ng Diyos may kapal. Sa aking paglalagkabay sa iba’t-ibang parte ng Batangas kasama ang aking mga kaibigan at pamilya, iyong matatamasa ang liwanag at kagandahan ng yaman ng Pilipinas.



Noong bakasyon namin sa eskwelahan, naisipan namin magkakaibigan na lumakbay patungo sa Fortune Island na matatagpuan sa Nasugbu, Batangas. Mahirap ang byahe sapagkat sumakay pa kami ng van at bangka upang makarating doon. Lahat ng pagod ay nawala nung kami ay nakarating na. Matatagpuan mo doon ang napakagandang istraktura ng mga Grecian pillars at statues.

Napakaganda ng tanawin dito at isa din ito sa mga diving spot na dinadalaw ng mga turista. Masarap ang simoy ng hangin at maganda ang pagsikat ng araw.



Sa naiibang araw naman ay
nasubukan naming puntahan ang publikong dagat sa Anilao, Batangas. Napakasaya ng aming byahe sapagkat may kasama din itong napakaaliwalas na mga tawanin. Tulad ng mga matataas na puno at mga dagat. Bonus pa nito ang mga matulungin, makulit at masarap na kwentuhan kasama ang mga kapwa naming Batangueño.

Bukod sa mga sobrang asul na tubig dagat at kumikinang ng mga buhangin sa mga beach sa Batangas, pwede mo rin lakbayin gamit ang bisikleta o ang iyong mga paa para umakyat ng nagtataasang mga bundok na may kapalit na napakagandang tanawin mula sa itaas.  Hinding hindi mawawala dito ang masarap at malamig na simoy ng hangin. Mga magagandang tubo ng berdeng puno. Nakikita mo dito ang magandang pagsalosalo ng iba’t-ibang kulay ng kailakasan. Bumubuo ng isang magandang litrato at paningin sa iyong mga mata.
Tulad na lamang ng biyayang ito. Ito ay nakuha sa taas ng bundok Mt. Maculot sa may Cuenca, Batangas. Aming inakyat ito kasama din ang aking mga kaibigan noong mahal na araw.


Meron namang ibang araw na kami ay nagbisikleta kasama ang aking kaibigan. Nasubukan naming akyatin ang bundok sa Locloc, San Luis, Batangas. Doon mo matatagpuan ang mga iba’t- ibang istraktura sa paanan ng bundok. Pati rin ang dagat na nakapaligid dito. Bukod pa doon ay meron din doong groto ni Hesus na dinadalaw ng mga turista.





Napakasarap pagmasdan ang mga kalikasan ibiniyaya sa atin ng Diyos. Isa ang Batangas sa may pinakamayaman na likas na yaman sa mga lugar na aking napuntahan. Mula sa dagat sa ibaba hanggang sa bundok sa itaas. Kaya naman hangga’t nabubuhay pa tayo ay atin itong lakybayin, pagmasdan, pagyamanin pa at alagaan ng mas mabuti.

Comments