Pictorial Essay: Singapore ( ni Hosannah Chua)
Ito ang aking nakababatang kapatid. Dito ay dinayo namin ang isang museo sa singapore. Siya ay nagiliw sa pagsakay sa isang makasaysayang sasakyan na ginamit sa bansa noong unang panahon. Akin paring nakababatang kapatid ang ipinapakita sa litratong ito. Ito ay nang kami ay bumisita sa madame tussauds singapore kung saan nagpapakita ng mahigit kunulang isandaang wax figures. Ang litratong ito naman ay kuha sa aming pagbisita sa singapore zoo. Kami ay nanood ng pagtatanghal ng mga elepante at nagpakain sa mga ito gamit ang saging. Syempre, hindi mawawala sa aming iskedyul ang pagpunta sa Universal Studios. Dito kami ay sumakay ng iba’t-ibang sakayan at nanood ng iba’t-ibang pagtatanghal. Ito naman ako kasama ang Merlion. Ang Merlion ay ang pambansang maliwanag na halimbawa o “national personification” ng bansang Singapore. Ito ay meroong katawaan ng isda at ulo ng leon.