Lakbay Sanaysay: El Nido, Palawan (ni Danica Condes)

Noong disyembre, nakaraang taon, ako ay pumuntang El Nido
Palawan para mamasyal at magdiriwang ng pasko at bagong taon.  Sa paglipas na panahon panatili kong binabanggit ang El Nido, sinasabi ko sa mga kaibigan at estranghero ang tungkol sa lugar at kung gaano ka kabigha-bighani ang lugar na ito.
Talagang hindi lang ang bayan ng El Nido mismo ang kumuha ng aking hininga kundi pati na rin ang kapaligiran at ang nakamamanghang tanawin ng dagat. Tuwing umaga ang mga tao ay umaalis sa pamamagitan ng bangka upang galugarin ang kalapit na mga Isla at lagoons. Uso dito ang snorkel sa kristal na tubig at pagtuklas ng mga kuweba at nakatagong mga beach o tinatawag nilang Hidden Beach.
Kami ng pamilya ko ay nag island hopping sa El nido. May kamahalan man ito, tiyak sulit naman ang bayad mo dahil napakaganda ng tanawin na makikita mo at talagang mabubusog ka pa sa kanilang libreng buffet. Mayroon ang El Nido ng iba't-ibang lokal at internasyonal na lutuin, na may maraming mga restawran at kainan na matatagpuan sa buong bayan at kasama sa mga beach. Asahan mo ditto ang maraming seafood! Ang tanghalian sa island hopping ay hindi mo na iisipin dahil sa mga island hopping tours ay karaniwang kasama ang inihaw na isda at tuna ensalada. Sari-sari din ang mga masasarap na prutas na inihanda nila para sa atin.
Ang El Nido ay hindi lamang isang tropikal na paradise beach, ito ay isang lugar na walang kapareha. Sa mga nakamamanghang tanawin ng kalikasan, sa ibabaw at sa ilalim ng dagat, ang El Nido ay natatangi at sigurado, masasabi kong isa sa pinakamagagandang seascapes sa lupa. Dito ay malinis at talagang pinapangalagaan ng mga tao dito.
Makikita naman sa litrato kung gaano kaganda ang kulay ng dagat. Napakalinaw at napakalinis ng tubig sa dagat. Pati na rin ang buhangin dito ay napakalambot at hindi mabato. Masasabi kong ang El Nido ay talagang mababalik balikan natin dahil walang kupas ang ganda ng tanawin dito.










Comments