“Queen City of the South” Cebu, Philippines Lakbay Sanaysay ni Pauline Paluero
“Queen
City of the South”
Cebu, Philippines
Ang Cebu ay isang lugar na talagang babalik
at babalikan mo. Tiyak na madaming lugar ang iyong mapupuntahan dito. At di
lamang ang mga lugar ang babalik balikan mo dito kundi ang mga pagkain at ang
mga napakamamabait na mga tao dito. Nakaraang taon, pumunta kami ng aking
pamilya sa Cebu upang mag relaks at mag saya. Talagang sulit at masaya ang
pag punta namin sa Cebu.
Ang Cebu ay is sa mga lugar na nais ko
talagang mapuntahan dahil sa ganda na nakikita ko dito galing sa internet. Pag
ika’y nasa Cebu, di mo mararamdaman na para kang nasa probinsya. Para din
lamang itong Maynila ngunit may magagandang atraksyon na mapupuntahan at ang
mga tao ay nag sasalita ng bisya. Gayun pa man, kahit bisaya ang pananalita
nila, nakakatuwa naman itong pakinggan dahil mararamdaman mo ang kagustuhan at
kaganahan nila mag kwento.
Una naming dinayo ay ang Lapu-Lapu Shrine.
Ang Lapu-Lapu Shrine ay isa sa magagandang lugar na napuntahan ko sa Cebu.
Nirerekomenda ko ang mga turista na mag dayo dito dahil marami tayong matutunan
ukol sa buhay ni Lapu-Lapu. Bukod sa kaalaman sa buhay ni Lapu-Lapu, maganda
din ang mga tanawin dito at mayroon ding napakalaking estatwa si Lapu-Lapu
dito. Talagang mapapabalik tanaw ka sa mga ambag ni Lapu-Lapu para sa ating
bansa dahil sa kaniyang kalakasan at kabayanihan. Ang sunod naman naming
pinuntahan ay ang Sirao Garden. Mamumulaklak ay iyong mata sa ganda ng mga
bulaklak. Napakaraming bulaklak na para itong dagat ng mga bulaklak. Tiyak na
makakakuha ka ng magandang litrato dito sa lugar na ito dahil sa ganda ng mga
bulaklak. Di gaano kaganda ang panahon noong pumunta kami kaya naman medyo
maputik ang iyong lalakaran. Ang rekomenda ko ay mag suot ng di marumihing
sapatos kapag ika’y pumunta dito. Ang pangatlong lugar na aming pinuntahan ay
ang Temple of Leah. Ang Temple of Leah ay ang templo ng lola ng sikat na
artista na si Ellen Adarna. Ipinagawa ito ng asawa ni Leah para sakaniya
lamang. May malaking estatwa si Leah Adarna sa loob ng templo at nakasaad din
doon ang kaniyang mga nakamit sa buhay. Nakakapanhanga talaga ang laki ng
templo na ipinagawa para kay Leah. Sa palagay ko, pangarap ng mga kababaihan na
mapatayuan din ng templo katulad nito. Ang panghuli naming pinuntahan ay ang
Magellan’s Cross. Di ko inaasahan na maliit lang pala ito kumpara sa naiisip
kong laki nito dahil sa mga litratong nakikita ko. Napakaganda ng kisame ng
Magellan’s Cross na talagang dinadayo rin ng karamihan at pwede ka mag alay ng
dasal dito.
Ang panghuli ay ay pagkain ng mga Cebuano.
Ang masasabi ko lang ay; sila ay may magagaling na panlasa. Halos lahat ng
pagkain nila ay masasarap tulad nalamang ng Cebu lechon, dried mangoes at ang
tuyo. Dahil sa kasarapan ng kanilang mga pagkain, marami rami ang aming nabili
na pasalubong. Napakasarap ng mga pagkain nila na talagang hahanap-hanapin ng
iyong dila at talagang babalik-balikan mo sa sarap.
Talagang babalikan ko ang Cebu dahil
napakasaya ang karanasan ko dito. Di lamang sa kagandahan ng lugar at sarap ng
pagkain kundi dahil sa mga napakabait at napakasayahin ng mga tao dito.
Talagang mararamdaman mo na para kang parte ng kanilang lugar. Isa sa
pinakamagandang lungsod na aking napuntahan ang Cebu. Siguradong babalikan ko
ang lugar na ito! Hanggang sa susunod, Cebu!
Thanks for the quick guide. Hoping to travel with my family in Cebu.
ReplyDeletePagpalain po kayo🤍🕊