Tagong Yaman ng Pilipinas: Batanes (ni Karissa Habaña)
Noong May 2015, kami ng pamilya ko ay nagpunta
sa Batanes. Ang Batanes ay matatagpuan sa hilagang parte ng bansa, ika nga ang
pinaka ulo ng bansa. Ang capital ng Batanes ay Basco. Ang biyahe mula sa
Maynila papuntang Basco ay mahigit na Tatlong oras. Pag tungtong naming sa
Basco ay nagbiyahe pa muli kami papunta sa aming hotel. Apat na araw kami sa
Batanes. Ang hotel na tinulugan naming ay ang Fundacion Pacita. Gawa ito sa
bato.
Nagsimula kami maglibot sa Basco. Dito naming
nakita ang Lighthouse. Nakita namin ang
Valugan Boulder Beach. Dito, makikita natin ang malalaking bato na bilog. Hindi
ito man made. Pinuntahan din naming ang Vayang Rolling Hills. Mayroon itong
trekking. Mahirap nga lang dahil matataas ang mga ibang parte ng bundok. Pag
silip mo sa cliff, makikita mo ang Pacific Ocean. Kay ganda ng tanawin.
Sa pangalawang araw naming, inikot naming ang
probinsya ng Ivana. Malayo-layo ito sa Basco, mahigit dalawang oras ang biyahe.
Sa kalagitnaan ng biyahe, pumunta kami sa isang reef. Wala pang
tawag dito dahil hindi pa ito DOT verified. Makikita natin dito ang reef na napaka ganda kapag
low tide ngunit malakas ang alon. Pagdating naming sa Ivana, pinuntahan naming
ang Honesty Shop. Dito, walang kaherang nagbabantay o CCTV. Maari mong kunin
ang gusto mo at bayaran sa isang kahon. Barya lang ang pambayad. Pumunta din
kami sa napakagandang Marlboro Country. Dito, pwede ka lumibot sa magagandang
bulubundukin at sumayaw at kumanta katulad ni Julie Andrews. The hills are
alive!
Sa pangatlo naming araw sa Batanes, nagpunta
kaming Sabtang Island. Upang pumunta sa lugar na ito, kailangan mong sumakay ng
bangka. Isang oras na biyahe ito. Pagkadating naming sa Sabtang, sumakay kami sa
mga 4x4 na sasakyan. Mabato at matatarik ang daan kaya kailangan ito ang mga sasakyan.
Nakita naming dito ang magagandang Bahay na Bato. Ginawa lamang ang mga bahay
na ito gamit ang kamay. Sa Morong Beach makikita ang Kissing Stones. Dito din naming pinuntahan ang Chamantad-Tiñan Cove.
Mala-Scotland ang lugar na ito. Maari ong puntahan ang cliff kung saan makikita
mo ang buong South China Sea.
Sa pangapat naming na araw, nagimpake na kami
para bumalik na sa Maynila. Inaanyahan ko kayo pumunta ng Batanes. Masarap ang
hangin at magaganda ang mga tanawin ang makikita niyo dito. Sobrang sulit ang
bayad ninyo papunta dito. Hindi niyo na kailangan pang pumunta ng ibang bansa
para makita ang mga magagandang bundok. Dito mismo sa Pilipinas mayroon na.
Comments
Post a Comment